Banghay-Aralin sa Araling Asyano
I. Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mga mag-aaral ay inaasahang :
1. Maiisa-isa ang mga kababaihang nag-ambag sa kasaysayan ng Silangan at Timog-Silangang Asya at maisasalaysay ang kanilang naimbag sa kanilang bansa at sa rehiyon.
2. Matutukoy ang mga suliraning kinakaharap ng mga kababaihan sa kasalukuyang panahon at makapagbibigay ng mga solusyon sa mga suliraning ito.
3. Makakagawa ng isang islogan, akrostik, tula, mural, drowing, collage, maikling dula at iba pa ukol sa paggunita at pagdiriwang sa Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan(International Women’s Day) ngayong taong 2015.
4. Makakasulat ng isang sanaysay ukol sa kahalagahan ng kababaihan sa kanilang personal na buhay at sa bayan at mailalathala ito sa blog ng klase sa Blogspot.
II. Paksa at Kagamitan
A. Paksang-Aralin : Ang kababaihan sa kasalukuyang Asya ; ang kalagayan at papel ng kababaihan sa iba’t ibang bahagi ng Silangan at Timog-Silangang Asya at ang kanilang ambag sa bansa at sa rehiyon. (C.4 ng Ikaapat na Markahan)
B. Sanggunian : MODYUL BLG. 4 : ANG SILANGAN AT TIMOG SILANGAN ASYA SA TRANSISYUNAL AT MAKABAGONG PANAHON ((IKA-16 HANGGANG IKA-20 SIGLO)
C. Mga kagamitan : Modyul 4 at mga larawan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
A.1 Pagbabalitaan : Balitaan ukol sa mga mahahalagang balita sa Asya at sa ibang bahagi ng mundo.
Kumusta kayo? Sana ay nakapagbasa kayo ng mga balita dahil maraming nagaganap na mahahalagang pangyayari sa Asya at sa iba’t ibang-bahagi ng ating mundo. At ang mga ito ay may epekto sa ating lahat. Narito ang ilang larawan, sabihin niyo nga kung tungkol saan ang mga balita.
A.2 Balik-Aral : Dril ukol sa nakaraang aralin (Neokoloniyalismo sa Asya)
Para sa ating balik-aral, naaalala niyo pa ba ang tatlong pangunahing anyo ng neo-koloniyalismo? Maglaro tayo ng Halu-letra, tingnan natin kung mahuhulaan niyo ang mga salita sa kahon.
HALULETRA - EKONOMIKS, PULITIKAL, KULTURAL
A.3 Lunsaran
Ipaparinig ng guro ang kantang 'Woman' ni John Lennon. Ipapakita din ng guro ang larawan ng liham ni Dr. Jose Rizal sa mga kababaihan ng Malolos at isang larawan ng katagang, “The hand that rocks the cradle is the hand that rocks the world”.
Imahe mula sa The Project Gutenberg eBook of Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga Kadalagahan sa Malolos, Bulakan, by JOSE RIZAL
Imahe mula sa Chronicles of a Babywise Mom: October 2014
A.4 Big picture question
“Ano ang kahalagahan ng kababaihan sa bansa at sa Asya?”
B. Paglinang ng Aralin
B.1. Pagtalakay sa Aralin
Pagpapakita ng mga larawan at pagtalakay sa ilang tanyag na kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya at kanilang naiambag sa kasaysayan ng kanilang bansa at sa rehiyon.
*Ang mga imahe ay mula sa Wikipedia
Bakit maituturing na kahanga-hanga ang mga nagawa nang mga kababaihan na nabanggit sa tsart?
Maituturing mo bang mahalaga sa kasalukuyang panahon ang ginagampanan ng mga kababaihan? Bakit?
Sino sa mga kababaihan sa kasalukuyang panahon sa Silangan at Timog Silangang Asya ang labis mong hinahangaan? Bakit?
Pagpapakita ng mga larawan at pagtalakay sa mga kababaihang bayani ng bansa at ang kanila ambag sa kasaysayan ng Pilipinas.
Pagtalakay sa ilang batas ukol sa kababaihan na naipasa sa Pilipinas.
Pagtalakay ukol sa ilang piling balita ukol sa kalagayan ng kababaihan sa kasalukuyan sa Silangan at Timog-Silangang Asya upang pag usapan at tukuyin ang mga suliraning kinakaharap ng mga kababaihan at pagbibigay ng solusyon sa mga suliraning ito.
Pagpapangkat ng mga mag aaral ukol sa paggunita at pagdiriwang sa Pandaigidigang Araw ng mga Kababaihan. Naatasan ang inyong grupo na makilahok sa Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan(International Women’s Day). Maari kayong gumawa ng isang islogan, akrostik, tula, mural, drowing, collage, maikling dula at iba pa upang itangahal sa nasabing pagdiriwang. Ano ang inyong gagawin? Ibahagi sa klase ang inyong gawa at talakayin ang inyong mga natutunan at karanasan sa gawaing ito.
C. Pangwakas na Gawain
C.1 Pagpapahalaga
Anong mga mahahalagang aral (values) ang ating dapat matutunan ukol sa ating natalakay na leksiyon?
C.2 Paglalahat
Magbigay ng mga mahahalagang salita o ideya na dapat nating matandaan ukol sa ating natalakay na leksiyon.
C.3 Paglalapat
Halimbawa nakakita kayo ng isang babae na sinasaktan ng kanyang asawa, ano ang inyong gagawin?
Ano ang inyong mararamdaman o iisipin kung makakakita kayo ng mga kababaihan na lumalahok sa mga kilos protesta upang ipaglaban ang kanilang karapatan?
IV. Pagtataya
Maikling Pagsusulit (3–2–1 format)
Sa isang kalahating papel, isulat ang mga sumusunod :
1. tatlong(3) salita na iyong natutunan sa leksiyong ito
2. dalawang(2) kababaihan na nag-ambag sa kasaysayan ng Silangan at Timog-Silangang Asya at ibigay ang kanilang naimbag sa kanilang bansa at sa rehiyon.
3. isang(1) pangungusap na naglalarawan sa iyong natutunan sa leksiyong ito
V. Takdang-Aralin
Paggawa ng isang maikling sanaysay(100-200 salita) ukol sa kahalagahan ng kababaihan sa kanilang buhay at sa bayan. Ito ay dapat mailalathala sa blog ng klase sa Blogspot. Ang sanaysay na ito ay sasagot sa big picture question ng leksiyong ito.
*Big picture question : “Ano ang kahalagahan ng kababaihan sa bansa at sa Asya?”
Inihanda ni :
D. Bayeng
Maraming salamat sa inyo at mabuhay tayong lahat. Maligayang paggunita at pagdiriwang sa Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan. Mabuhay ang kababaihan! Mabuhay ang Inang-Bayan!
Maraming salamat sa inyo at mabuhay tayong lahat. Maligayang paggunita at pagdiriwang sa Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan. Mabuhay ang kababaihan! Mabuhay ang Inang-Bayan!
Figure 1.International hashtag para sa paggunita sa Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan (International Women’s Day 2015)
No comments:
Post a Comment